Wednesday, July 10, 2013

KULUGO

                                                                The Papyrus- Cavite, Philippines

Kulugo (Maikling Kwento)
by Benedict G. Pascua
AB Journalism 1-1

Sa gabing madilim, pustura ko'y laman ng usapan, Tingin sa akin ay salot sa lipunan.
Ngunit kami ay hindi dapat husgahan,  Sapagkat pare-pareho tayong biktima ng Kahirapan. Salat sa lahat, kadahilanan ng pagpasok sa ganitong uri ng trabaho.
Isang negosyong puhunan ay aking buong pagkatao. Sa oras ng pagbabanat buto, Tinitiis ang bawat dampi ng mga mapupusok  Wala akong pakialam sa sarili kahit na mangamoy upos at usok.

Sa pagtatapos ng masalimuot na pagpapalitan, Katumbas ay malaking halaga sa aking kinabukasan. Kahit aking nakasanayan, hindi pa rin maiiwasan ang pangangamba.
Isang pag-aalala na nababalutan ng takot sa Diyos at konsensya.

Dumating ang  isang araw ,  ako ay lubos na nagtaka,  Patungkol sa sumisibol na kulugo sa aking paa. Sa aking labis na pagsasawalang bahala, huli na noong aking nalaman
Ang opinyon ng dalubhasa ang nagpaikot ng aking kalamnan.  Ang maliit na bilog mitya ng aking kamatayan,  Sanhi nito ang aking pagpatol sa kababuyan.

Pagsisisi ang tanging nangibabaw sa aking isipan,  Sapagkat hindi ko nasundan ang tinahak sa akin ng kapalaran. Tsaka ko napagtanto ang kahalagahan ng edukasyon,
Ang pag-aaral ay hindi lamang pala kailangan upang magkaroon ng malinis na bokasyon. Ito rin pala ang nagsisilbi nating pundasyon sa mga panahong kailangan na nating bumangon.

Sa aking mga nalalabing oras at panahon, Hindi ko sasayangin ang pagkakataon.
Nawa ako ay magsilbing alarma ng lahat ng Kabataan at, Huwag sana nating kalimutan na kabilang ang TEMPTASYON sa Pitong Kasalanan.



No comments:

Post a Comment